Biyernes, Mayo 6, 2016

Ang Rosas

Pinatay ko ang buhay ng aking lahi
Luha ang iniinom ng aking dati
Wala nang pag-asang Makita ang bukangliwayway
Mahalik sana ng kapalaran ang patay.

O bakit rosas na aking tinangkilik
Bakit bakit ang buhay ay puro tinik?
Mayroon pa bang pag-asa na bumangon?
O tagapagligtas nasaan na ang tugon?

O Rizal nasaan na ang makabayan?
Umuuwi na ba sila sa patayan?
Ang walang pagmamahal sa kanyang bayan
Walang pagmamahal sa kaluw’lhatian

Kalimutan na natin ang kasikatan
Hawak-kamay, harapan at tapatan
Upang magbago an gating kapalaran
Ang nakaraang mapait kailanma’y kalimutan

Sapagkat ang tinik na yakap ng rosas,
Hindi matatanggal, hindi malulunas
Ngunit gaya ng rosas ng kamatayan

Lubos ang pag-ibig sa halik ng ulan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento